Makabuluhang Pamayanan: Matatag na Kultura at Tradisyon ng Katutubong Aeta
PANIMULA
Ang Aeta o Ayta ay mga katutubong tao o grupong etniko na matatagpuan sa dako sa kapuluan, ang karamihan ay nasa kabundukan ng Luzon. Itinituring silang mga Negrito, may maitim na kayumangging balat at nailalarawan sa pagiging maikli ang tangkad, at may kulot na buhok tulad ng mga itim na Apiukano na kadalasang may mas magaan na natural na kulay ng buhok. Isa sa mga sikat na tradisyon nila ay ang pagsusugat Sinadya nitong masugatan ang kanilang katawan at masunog ito upang bumuo ng peklat. Ngayon ay ating talakayain ang nakagisnang kultura ng mga katutubong Aeta.
Sa lungsod ng Palayan, Nueva Ecija makikita ang
tribo ng mga katutubong Aeta, payak at mapayapa lamang ang pamumuhay rito
ngunit nagagandahang mga ngiti ang sasalubong sa iyo. Ayon sa panayam na aming
pinanood, sa kabila ng trahedyang dinanas ng mga Aeta ay nanatiling matatag ang
kultura at tradisyon ng mga ito. Isa sa mga nanatiling tradisyon ng mga Aeta ay
ang pagluluto sa buho, isang uri ng kawayan kung saan maari mong iluto ang
mga iba’t ibang klase ng kanin at ulam. Samantalang ang kultura na nanatiling
matatag ay ang pagsasayaw, kung saan ang mga kalalakihan ay may kasuotan na
bahag at kasuotang tapis naman para sa mga kababaihan.
Bukod sa kultura at
tradisyon, ipinakita rin ang iba’t ibang kabuhayan na isinasagawa ng mga Aeta
at ang paghihirap nila upang makabili ng pagkain sa kanilang pang araw-araw,
katulad na lamang ng paglikha ng kwintas na gawa sa mga bungang kahoy at paggawa
ng alkansya pati nang pana ang kabuhayan ng iilang mga aeta sa Sitio Bacao. Para
naman kay Fernando Sibal, isang katutubong aeta na biktima sa pagsabog ng Mt.
Pinatubo, paggawa ng paminwit at patukba ang kanilang ikinabubuhay.
PROBLEMA
Noong ika-15 ng Hunyo 1991, sumabog ang Mt. Pinatubo at tinaguriang pangalawang pinakamalakas na pagsabog ng bulkan. Ayon sa Asian Disaster Reduction Center, 2.1 milyong tao ang naapektuhan dahil sa pagsabog at kasama na ang lungsod ng Zambales, Pampanga at Tarlac, pati na rin ang komunidad ng mga katutubong
aeta.
Ayon kay Felisa Sibal, isa rin sa mga biktima ng pagsabog, malakas ang
naging pagsabog ng bulkan at dahil sa takot, wala na silang ibang naisalbang
gamit at tanging sarili lamang ang kanilang inilagtas. Makikita ang mga luha dahil sa takot. Puno ng mga putik at buhangin ang kanilang mga katawan pati na rin ang kanilang mga buhok.
Malaki ang naging epekto
ng pagsabog ng Mt. Pinatubo sa mga Aeta, base sa Christian Science Monitor,
madami sa mga ito ang nawalan ng tirahan, hirap sa pagkain, may mga sugatan, at
marami rin ang namatay. Marami ang naging pagbabago pagkatapos ng
trahedyang ito, yung iba ay walang matirahan at yung iba naman ay mas naghirap
sa kanilang kabuhayan.
KONKLUSYON
Tunay na nakakatakot ang naging karanasan ng mga Aeta sa pagsabog ng Mt. Pinatubo, mas lalong naghirap ang kanilang mga buhay subalit sa kabila ng hirap at pagkasawi, kahanga-hanga na nanatiling matatag at maunlad
ang kanilang kultura at tradisyon. Katulad na lamang ng pagsasayaw at pagluto sa
buho na kanila pa ring pinagpapatuloy hanggang ngayon. Patuloy silang naghahanapbuhay para sa kanilng mga pamilya at nanatili ang kanilang pagkakaisa
at pagtulong sa isa’t isa. Hindi naging dahilan ang suliranin na
kanilang naranasan upang sila ay sumuko at hindi na magpatuloy bagamat mas pinili
nilang bumangon upang magsimula ulit at mas patatagin ang nakagisnang kultura at
tradisyon ng mga katutubong Aeta.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento