CARAGA Region : Wika at Tradisyon
Ang Caraga Region o rehiyon VIII ay bahagi ng hilagang-silangan ng Mindanao. Dahil sa batas republika bilang 7901 noong Ika-23 ng Pebrero 1995. Ang rehiyon VIII ay nahahati sa limang (5) probinsya, anim (6) na siyudad at anim na pu't pitong (67) munisipalidad. Ang mga probinsyang ito ay ang Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, at ang Dinagat Islands.
Cebuano (Bisaya) ang ating madalas na maririnig kapag tayo ay bumisita rito, ngunit hindi mawawala ang mga wikang katutubo katulad na lamang ng Surigaonon and Butuanon. Ang Caraga ay may limang (5) probinsya, at bawat probinsya rito ay mayroong sari-sariling wika. Ang wika na maririnig sa probinsya ng Agusan Del Norte at Agusan Del Sur ay Cebuano, Butuanon, Agusan, Higaonon, Mamanwa, at Surigaonon. Ang mga wika na ginagamit naman sa Surigao Del Norte ay Surigaonon, Cebuano, Agusan, at Mamanwa. Samantalang sa Surigao Del Sur naman ay Surigaonon, Kamayo, Cebuano, at Agusan. Habang sa Dinagat Islands ay Cebuano at Surigaonon lamang.
Hindi rin mawawala ang mga tradisyon na mayroon ang bawat probinsya. Ang mga pista katulad ng Sagingan Festival, Lisagan Festival at Sumayajaw Festival ay ginaganap sa probinsya ng Agusan Del Norte, datapwat marami man ang mga pista na nagaganap dito, Ang Sadow Festival ang pinakakilalang pista na ginaganap tuwing Ika-labing pito (17) ng Hunyo. Ito ay isang pagdiriwang na ng pamanang kultura ng lalawigan at mga etniko ng mga katutubo nito. Ang mga pista na nagaganap naman sa Agusan Del Sur ay Bunawan Festival, Diwata Festival, Kahimunan Festival, Kaliga on Festival, Naliyagan Festival, Taphagan Festival at Santikan Festival, ngunit katulad ng Agusan Del Norte, ang Agusan Del Sur ay may ginaganap din at tinatawag na Naliyagan Festival. Ito ay halos walang pinagkaiba sa Sadow Festival kundi ang pagsasayaw ng pang tribong sayaw tuwing kapistahan.
Ang mga tradisyon naman o kapistahan na umiikot sa probinsya ng Surigao Del Norte ay ang Bilang Bilang Festival, Bonok Bonok Festival, Lawigan Festival, Siroy Siroy Festival, Sto.Nino De Abad Asay Festival, Tinabangay Festival at Sakay Sakayan Festival. Gaya ng mga naunang probinsya, ang Surigao Del Norte ay kilala sa Bonok-Bonok Maradjaw Karadjaw Festival. Ang pistang ito ay nagaganap tuwing Ika- sampu (!0) ng Setyembre, ang Bonok-Bonok Festival ay isang pagdiriwang kung saan ang mga mananayaw mula sa iba't ibang munisipalidad upang maglaban-laban. Magsasayaw ang mga ito mula sa mabagal hanggang sa mabilis na tradisyunal na musika, suot ang kanilang saya at barong. Isa rin itong pagpupugay kay St. Nicholas de Tolentino, ang patron saint ng lungsod.
Habang sa Surigao Del Sur naman ay kilala sa Kaliguan Festival, Pahinguod Festival at Lanuza Surfing Festival, kilala ang Surigao Del Sur sa Sirong Festival, ito ay paggunita sa bahagi ng kasaysayan ng Cantilan kung saan kailangan ipagtangool ng mga sinaunang Kristiyano ang kanilang sarili laban sa Islamisadong katutubo. Panghuli ay ang mga tradisyon sa Dinagat Islands, ang mga pista na ipinagdiriwang dito ay Bugkosan sa Dinagat, Kinabog Festival, at Lawigan Festival. Subalit sa tatlong ito, ang Bugkosan Festival ang pinakakilala rito. Ito ay natatanging pagdiriwang sa Caraga na nagpaparangal sa pagkakaisa at diwa ng mga bayanihan ng bayan nito.
Dahil sa mga nakakamanghang mga tradisyon na ating nalaman, tunay na nakapagsasaya malaman na hindi hadlang ang pagkaroon ng iba't ibang wika upang magkaroon ng mga pagdiriwang, bagkkus ay nagiging dahilan pa ito upang magkaisa ang mga bawat Pilipino.
ANG PINAKA
Maraming kilalang personalidad ang may mga sikat din na idyolek dito sa Pilipinas, ngunit limang kilalang personalidad lamang ang aming ipapakilala. Una ay si Toni Gonzaga, siya ay kilala bilang artista, isa sa mga idyolek niya ay ang linya na sinasabi niya noong siya ay isang tv host sa PBB o Pinoy Big Brother, at yun ang "Hello Philipines, Hello World". Ang ikalawang personalidad naman ay si Noli De Castro, si Noli ay isang news broadcaster, ang linyang "magandang gabi, bayan" tuwing pagsapit ng panggabing balita ang naging dahilan upang madali siyang makilala ng mga tao. Sunod naman ay si Nora Aunor o ang natatanging artista na nagpasiklab ng salitang "walang himala" mula sa kanyang palabas na "Miracle". Ang susunod na personalidad ay marahil kilalang kilala na natin, siya ay si Ruffa Mae Quintos, maraming sikat na linya si Ruffa, ngunit ang "go, go, go" ang kadalasan na ginagaya at natatandaan ng mga tao. At ang panghuli ay si FPJ o Fernando Poe Jr., kilala bilang hari ng mga Pilipinong pelikula. Mula sa pelikulang "isang bala ka lang" nabuo rin dito ang kanyang idyolek sapagkat sa paraan ng pagbigkas niya sa "isang bala ka lang"
Bawat tao ay may sari-sariling tono, at dahil sa mga punto ng pananalita, mas nakilala ang mga personalidad na nabanggit sa teksto. Ito'y pagpapakita na kahit anuman ang tono at punto ng isang tao, gagawin siyang katangi-tangi nito.
Labanan Natin!
Sa isang daan tatlong pu (130) na wikang umiikot sa buong Pilipinas, hindi natin maiiwasan na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan lalo na sa mga tono at punto nito. Ngunit kahit ganito man, dapat ay panatilihin ang respeto at pagiging mapagunawa upang maiwasan natin ang language discrimination. Kailanganan nating maunawaan na ang wika mo ay hindi wika nang lahat at ang wika nila ay wika mo na rin. Kapag tayo ay nahihirapan na intindihin ang isang tao dahil sa wika nito, maari tayong magtanong upang maunawaan ito o kaya ay ipaalam natin na hindi tayo pamilyar sa lingguwaheng kanyang ibinibigkas kung sa gayon ay mabago niya ito upang magkaintindihan tayo.
Maraming paraan upang maiwasan at malabanan ang language discrimination, at respeto ang nangunguna sa mga ito, dahil respeto ang pinakamadaling ating maibibigay saating kapwa. Sunod ay pagiging maunawain at bukas-isip upang hindi natin pa kakailanganing husgahan at pagtawanan ang wika ng bawat indibidwal. Hindi rin mababase sa antas ng pamumuhay ang wikang ating ginagamit, hindi mababase sa wika ang pagkato na mayroon tayo. Kaya dapat nating labanan ang language discrimination para sayo, para saatin, at para sa kapayapaan at pagkakaisa-isa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento