Makabuluhang Pamayanan: Matatag na Kultura at Tradisyon ng Katutubong Aeta
PANIMULA Ang Aeta o Ayta ay mga katutubong tao o grupong etniko na matatagpuan sa dako sa kapuluan, ang karamihan ay nasa kabundukan ng Luzon. Itinituring silang mga Negrito, may maitim na kayumangging balat at nailalarawan sa pagiging maikli ang tangkad, at may kulot na buhok tulad ng mga itim na Apiukano na kadalasang may mas magaan na natural na kulay ng buhok. Isa sa mga sikat na tradisyon nila ay ang pagsusugat Sinadya nitong masugatan ang kanilang katawan at masunog ito upang bumuo ng peklat. Ngayon ay ating talakayain ang nakagisnang kultura ng mga katutubong Aeta. Dokumentaryo: "Kulturang kinagisnan" ng mga katutubong Aeta Sa lungsod ng Palayan, Nueva Ecija makikita ang tribo ng mga katutubong Aeta, payak at mapayapa lamang ang pamumuhay rito ngunit nagagandahang mga ngiti ang sasalubong sa iyo. Ayon sa panayam na aming pinanood, sa kabila ng trahedyang dinanas ng mga Aeta ay nanatiling matatag ang kultura at tradisyon ng mga ito. Isa sa mga nanatiling tradisyon ng m...