Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2023

CARAGA Region : Wika at Tradisyon

Imahe
A ng Caraga Region o rehiyon VIII ay bahagi  ng hilagang-silangan ng Mindanao. Dahil sa batas republika bilang 7901 noong Ika-23 ng Pebrero 1995. Ang rehiyon VIII ay nahahati sa limang (5) probinsya, anim (6) na siyudad at anim na pu't pitong (67) munisipalidad. Ang mga probinsyang ito ay ang Agusan Del Norte , Agusan Del Sur , Surigao Del Norte , Surigao Del Sur , at ang Dinagat Islands.  Cebuano (Bisaya) ang ating madalas na maririnig kapag tayo ay bumisita rito, ngunit hindi mawawala ang mga wikang katutubo katulad na lamang ng   Surigaonon and Butuanon. Ang Caraga ay may limang (5) probinsya, at bawat probinsya rito ay mayroong sari-sariling wika. Ang wika na maririnig sa probinsya ng Agusan Del Norte at Agusan Del Sur ay  Cebuano, Butuanon, Agusan, Higaonon, Mamanwa, at Surigaonon. Ang mga wika na ginagamit naman sa Surigao Del Norte ay Surigaonon, Cebuano, Agusan, at Mamanwa. Samantalang sa Surigao Del Sur naman ay Surigaonon, Kamayo, Cebuano, at Agus...